Posts

Ang  industriyalisasyon  ay ang panahon ng  panlipunan  at  pang-ekonomiyang  pagbabago na humuhulma sa isang samahan ng mga tao mula sa magsasakang lipunan patungo sa isang lipunang  industriyal , kabilang ang malawakang reorganisasyon ng isang ekonomiya para sa  pagmamanupaktura . Habang tumataas ang mga kita ng mga manggawang industriyal, ang  merkado  at iba't ibang klaseng mga serbisyo ay maaring lumawig at magbigay ng karagdagang  stimulus  sa pang-industriyang pamumuhunan at pag-unlad ng ekonomiya. Ang  teknolohiya  o  aghimuan   kasanayan sa sining "salita, pagtutuusin" ang hulapi ια) ay mayroong higit sa isang kahulugan. Isa sa mga kahulugan ang pagsulong at paglapat ng mga  kasangkapan ,  makina ,  kagamitan  at  proseso  upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Bilang isang gawain ng tao, ang teknolohiya ay nauna pa kaysa sa  agham  at  ...