Ang industriyalisasyon ay ang panahon ng panlipunan at pang-ekonomiyang pagbabago na humuhulma sa isang samahan ng mga tao mula sa magsasakang lipunan patungo sa isang lipunang industriyal, kabilang ang malawakang reorganisasyon ng isang ekonomiya para sa pagmamanupaktura.
Habang tumataas ang mga kita ng mga manggawang industriyal, ang merkado at iba't ibang klaseng mga serbisyo ay maaring lumawig at magbigay ng karagdagang stimulus sa pang-industriyang pamumuhunan at pag-unlad ng ekonomiya.
Ang teknolohiya o aghimuan kasanayan sa sining "salita, pagtutuusin" ang hulapi ια) ay mayroong higit sa isang kahulugan. Isa sa mga kahulugan ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapanmakinakagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Bilang isang gawain ng tao, ang teknolohiya ay nauna pa kaysa sa agham at inhinyeriya.
Kadalasang iniuugnay ang katagang teknolohiya sa mga imbento at gadget na ginagamit ang kailan lamang natuklasang na proseso at prinsipyong maka-agham. Gayon man, isinilarawan din ng teknolohiya ang kahit na ang pinakalumang naimbento katulad ng gulong.
Sa isa pang kahulugan na ginagamit ng ekonomiya, nakikita ang teknolohiya bilang ang kasalukuyang kalagayan ng ating kaalaman kung papaano pagsamasamahin ang mga kakayahan upang magbunga ng ninanasang produkto (at kung anumang maibubunga ng ating kaalaman). Sa gayon, nakikita natin ang pagbabago sa teknolohiya kung nadadagdagan ang ating kaalaman dito.

Comments